“Puso ba o Isip ang Nagmamahal?”
“Puso ba o Isip ang Nagmamahal?”
Alam mo ba na hindi talaga ang puso ang nagmamahal?
Kung akala mo puso ang nasasaktan sa love, mali ka.
Sa blog na ’to, alamin natin kung paano talaga nagmamahal ang tao—ayon sa psychology.
Sa psychology, ang ISIP ang nagmamahal, hindi ang puso.
Ang puso ay tumatakbo lang ng mas mabilis dahil may utos galing sa utak.
Kapag nagmahal ka, ang utak ang naglalabas ng kemikal tulad ng:
๐Dopamine – dahilan kung bakit masaya at excited ka
๐ Oxytocin – dahilan ng attachment at trust
๐ Serotonin – dahilan kung bakit palagi mong naiisip ang isang tao
Kaya kapag sinabing “nasaktan ang puso ko,”
ang totoo—utak mo ang napagod, na-stress, at nalungkot.
ANO ANG BASEHAN NG PAGMAMAHAL?
Ang basehan ng pagmamahal ay
๐ Emosyon (nararamdaman)
๐Memory (alaala)
๐Experience (karanasan)
๐Decision (pinipiling magmahal araw-araw)
๐Hindi lang ito damdamin—choice din ang love.
Halimbawa:
Kapag may nakita kang mahal mo,
biglang bumibilis ang tibok ng puso mo.
Pero ang totoo, utak mo ang nagsabi sa puso na bumilis
dahil may emotion at attraction na na-trigger.
Narito Ang TRIVIA
Kapag brokenhearted ka,
parehong bahagi ng utak ang na-aactivate tulad ng physical pain.
Kaya masakit talaga—hindi ka nag-iinarte.
At alam mo ba?
Mas mabilis umibig ang isip kaysa puso.
Sa loob lang ng ilang segundo,
nakakapag-desisyon na ang utak kung gusto niya ang isang tao.
๐Ang isip ang nagmamahal
๐Ang puso ay reaksyon lang
๐Ang love ay emosyon + kemikal + desisyon
Kaya sa susunod na magmahal ka, tandaan—
alagaan mo ang isip mo, dahil doon talaga nagsisimula ang lahat.
Kung may natutunan ka, like, share, at mag follow para sa mas maraming psychological facts!
Salamat sa pag babasa. :)
Comments
Post a Comment