“Paano Malalaman Kung Hindi Ka Ginagalang ng Kausap Mo | Psychological Signs & Body Language”

 

“Paano Malalaman Kung Hindi Ka Ginagalang ng Kausap Mo | Psychological Signs & Body Language”



“Paano Malalaman Kung Hindi Ka Ginagalang ng Kausap Mo | Psychological Signs & Body Language”


“Napansin mo na ba na habang nagsasalita ka, parang wala lang sa kausap mo ang sinasabi mo?


Hindi ka naman minumura, hindi rin galit… pero parang may mali?


Sa blog na ito, pag-uusapan natin ang mga subtle pero seryosong senyales na hindi ka ginagalang o dini-downgrade ka ng kausap mo kilala mo man siya o bagong kakilala base sa psychology, body language, at kilos habang kayo ay nag-uusap.


Hindi ito hula. Ito ay batay sa behavioral psychology.


Bakit Mahalaga ang Body Language?

“Sa psychology, sinasabi na mahigit 60% ng communication ay non-verbal.


Ibig sabihin, mas totoo ang kilos kaysa salita.

Puwedeng sabihin ng tao na ‘nakikinig ako,’

pero kung ang katawan niya ay kabaligtaran may disrespect na doon.


SIGN #1: 


Hindi Ka Tinitingnan Kapag Nagsasalita Ka


“Kapag ang kausap mo ay palaging nakatingin sa phone ,nakatingin sa ibang tao

o nakatingin sa paligid habang ikaw ay nagsasalita.


Sa psychology, ito ay tinatawag na dismissive attention.


Ibig sabihin

 Hindi niya binibigyan ng halaga ang opinyon mo.


 Hindi ka priority sa usapan.

Normal lang ang saglit na pag-iwas ng tingin,

pero kung paulit-ulit at tuloy-tuloy, may problema na.


 SIGN #2:


 Pinipigilan o Pinutol ang Pagsasalita Mo


“Kapag lagi kang ini-interrupt , hindi pinapatapos o sinasapawan

Ito ay isang dominance behavior. Sa psychology, ginagawa ito ng taong gustong ipakita na,


‘Mas mahalaga ang sasabihin ko kaysa sa’yo.’

Hindi ito confidence.


Ito ay disrespect na tinatago sa pagiging ‘madaldal.’”


SIGN #3:


 Body Language na Sarado Habang Ikaw ay Nagsasalita


Narito Ang MGA halimbawa :


naka-cross arms, naka-lean palayo sa’yo

nakataas ang kilay na parang nagja-judge

Sa behavioral science, ito ay defensive at dismissive posture.


Ibig sabihin


 Hindi siya open sa sinasabi mo


 May judgment na kahit hindi pa tapos ang usapan


SIGN #4: 


Sarkastikong Ngiti o Pekeng Tawa


May mga taong hindi ka inaaway,

pero tinutukso ka sa paraan ng ngiti at tawa.


Narito Ang halimbawa,


ngumiti pero walang emotion sa mata tumawa ng ‘ha…ha…’ na pilit.

Ito ay tinatawag na contempt signal sa psychology.


Ang contempt ay isa sa pinakamataas na anyo ng disrespect.”


 SIGN #5:


 Laging Binababa ang Topic o Achievement Mo


“Kapag nagkwento ka at ang sagot ay:


‘Eh simple lang ’yan’

‘Normal lang ’yan’

‘Mas mahirap pa nga yung sa akin’


Ito ay verbal downgrading.

Hindi ka niya direktang iniinsulto,

pero binabawasan niya ang halaga ng karanasan mo.”


 SIGN #6:


 Hindi Siya Nagtatanong o Walang Follow-up


“Ang taong may respeto: 

 nagtatanong, nagre-react at nagfo-follow up

Kapag wala lahat ng ito,


ang message ay malinaw na ,


‘Hindi mahalaga sa akin ang sinasabi mo.’”


Narito Ang REAL-LIFE EXAMPLE


May kausap kang bagong kakilala.

Habang nagkukwento ka:


naka-phone siya, putol nang putol at ngumiti lang nang pilit. Hindi mo siya kilala,

pero kilala na ng psychology ang kilos niya.


At ang sagot?


Hindi ka niya ginagalang.”


NARITO ANG TRIVIA (Psychology Fact)


“Alam mo ba na ayon sa psychology,

mas mabilis makita ng utak ang disrespect kaysa marinig ito?


Kaya minsan, kahit hindi mo ma-explain,

ramdam mo na may mali dahil tama ang instinct mo.”


 PAALALA ! 


“Hindi lahat ng ganitong kilos ay sinasadya.

Pero kung paulit-ulit,

hindi na ito aksidente pattern na ito.”


“Kung naranasan mo na ang ganitong klaseng pagtrato,


tandaan mo ito,

Ang respeto ay hindi hinihingi ito ay ibinibigay.

Kung nagustuhan mo ang ganitong BLOG tungkol sa psychology,


 i-share, at mag follow sa channel na ito.


at tandaan mo:

Kung hindi ka ginagalang, may karapatan kang lumayo.


Salamat sa pag babasa . :)

♥️♥️♥️

Narito Ang video patungkol Dito ๐Ÿ‘‡ 



Comments

CRISTINA LIST

Signs of Having a High-Quality Woman in Your Life

Bakit Hindi Dapat Mag-Asawa ng Maaga: